Monday, March 8, 2010

Guro kong Mabagsik
Lemuel "TOTO" Llamera Jr.

Heto ang isang matipono't kagalang-galang kong guro,
Sa tikas at tindig walang kaparis parang ginto,
Hindi masaling ang Kaisipan o malito man lamang,
Napakagaling manalumpati malupit ang katagang binibitawan.

Wag kang magkakamali o paese-ese sayong kasagutan,
Kapag ika'y tinanong binitawan mo'y dapat panindigan,
S'ya ang tinik at balakid ng kaklase kong makulit,
Nakatikim din sila sa wakas ng asukal na mapait.

Nagmistulang tinik na nakaharang sa pintuan ng kakulitan,
Isang mataas na pader na dapat mong maraanan,
Ibang klaseng ibon s'ya kung ikukumpara,
parang agila sa kalawakan na di matinga-tingala.

Ulti mong ako'y abot-abot ang hinanaing sa guro kong ito,
Sapagkat sa unang pagkakataon ay ibinagsak ako,
Luha ko'y pumatak sa lupa ng makitang markang di kaaya-aya,
Sa galit at hinagpis itong aking nagawa.

Nag alay ng isang tulang nagmimistulang bata,
Na nais ay katarungan sa kanyang laruang nasira,
Kaawaan mo sana ako mahal kong maestro,
Ginawa ko nang lahat ngunit bakit nagkaganito?

http://www.emanilapoetry.com/mysearch.php?misc=search&subaction=showfull&id=1146107736&archive=1155210582&cnshow=news&ucat=16&start_from=&


-Nostalgic, every filipino kid's worst nightmare

Pinoy Poetry

Maikling Tula ng Isang Bata


Paubos na ang kandila at wala na akong pamalit…

Di pa bumabalik ang kuryente kaya mag-didilim buong gabi…

May ginagawa akong mahalagang bagay,

Pero baka di na matuloy dahil wala na akong ilaw para makita ang ginagawa ko…

Dahil sobrang init sa loob at mahirap mag-paypay,

Lumabas ako ng bahay at tumingala sa kalangitan…

Napansin ko na ang daming bituin pero di ko makita ang buwan…

Tumayo ako at hinanap ang buwan,

Pero sa kasamaang palad, wala akong natagpuan…

Bigla kong naisip, bakit ang daming bituin pero wala naman ang buwan?

Diba madalas, kapag hindi uulan sa gabi, madaming bituin at may buwan?

Bakit ngayon parang walang buwan na?

Ako’y pumasok dahil kukuha sana ako ng kumot pantakip sa malamig na labas…

Umupo muli ako sa upuan na nasa labas at tumingala muli…

Humiling ako at sinabi:

“Nasaan ka man, buwan

Sana ako ay mapakinggan.

Isang simpleng hiling ko

Sana ay matupad mo.

Hindi talaga ako umaasa

Pero kahit matupad mo sana.

Ang aking hiling na matagal inaasam

Bago ako mawala dito at mag-paalam,

Isang sulyap sa taong matagal ng hinahanap

Sana magkaroon ng halaga ang aking mga hirap

Makapag-paalam man lang sana,

Sa taong di na makikita…

O buwan, sana akoy’s mapakinggan

Sa aking huling hinga,

Sana makita ko na siya…”

Biglang umihip ang malamig na hangin

At ako’y biglang nilamig

Ang buwan na hindi ko nakita

Nag-tatago pala sa mga ulap

Nang makita ng buwan na napaka-ganda

Ako’y napangiti at napaluha

Aantayin ko na lang ang araw na mangyari

Ang hiling na matagal ko ng inaasam…

Habang wala pa siya

Ako’y mag-aantay…

Kahit kalian man siyang dumating,

Ako’y nandito at humihiling…


Hulogakonglangit (http://hulogakonglangit.tabulas.com/2008/02/12/maikling-tula-ng-isang-bata.../)

-Felt every word. This poem is full of feeling. Liked it.